Sunday, November 25, 2007

Ako Ay Nagbalik!

Ito ang aking pinagkakaabalahan ngayon--volleyball. Binuo namin ang Vipers volleyball team (mga mommies ng Grade One/pre-school sa Mater Carmeli School) at ngayo'y abala sa pagpa-practice. Ang standing namin sa ngayon ay 1-1, at umaasang makakapasok sa championship ng sportsfest na ito! Go Vipers!

Saturday, August 20, 2005

Kircus...

Si Marcus, ang cute kong bunso, nung unang araw ng pasukan habang inaantay ang school service na minamaneho ni Mang Rudy.

Sa wakas...

Sa wakas malalagyan ko din ng laman ang balagbag ko matapos ang matagal na panahon na ang tanging laman ay "Magandang araw."

Matagal na di ko ito naasikaso dahil sa madaming dahilan tulad ng magsimula ang klase, ngayong taon di lang si Kurt ang estudyante namin, unang taon din ito ng aking bunsong anak na si Marcus sa larangan ng pag-aaral. Kumpara kay Kuya Kurt (tinatawag ko syang kuya para gayahin ako ng bunso ko sa pagtawag ng kuya) mas tutok ako kay Marcus, ang isang ito ay kabaligtaran ni Kuya. Nang limang taon si Kurt sya ay nasa unang baitang na, si Marcus lima din sya ngayon pero magsisimula pa lang makipagbuno sa masalimuot na mundo ng pag-aaral. (Di ako nagyayabang, na-accelerate ang anak ko kaya kaya kahit lima pa lang sya noon ay nasa unang baitang na!) Kaya mas exciting at challenging ang mundo ng pag-aaral ng bunso ko at syempre ako din dahil sa lahat ng aspeto na pag-dadaanan ng anak ko gusto ko kasama nila ako.

Dagdag pa d'yan ang pangungulila ko sa asawa ko na nang mga panahon na iyon ay nakikipagbuno din sa pangungulila at trabaho sa di kalayuan. Hay! ang hirap ng malayo ang asawa mo sa tabi mo lalo na sa pagdedesisyon na dati ay sabay naming ginagawa!

Syempre and'yan din ang mga kaibigan kong mga pasaway! Na ang tanging kaligayahan ay paglalaro ng badminton, paghahalaman at pagdating Sabado ay ilabas ang lahat ng 'sama ng loob' sa pamamagitan ng kantahan, at syempre pag may kantahan ay may inuman!(heheheehe!)

Syempre di din mawawala ang mga 'impaktang' kapatid ko na kasa-kasama ko sa kasiyahan at kaburautan ng buhay!

Hanggang sa muli...

Monday, July 04, 2005